A Travellerspoint blog

The Bittersweet Beginning of an IndoChina Adventure

Some photos from the travel included...

sunny 34 °C
View The sick(est) trip everrr! & Laos stop & Vietnam Take 1 on moonlitskies's travel map.

===Matagal ko nang nasulat to, mahigit 10 years ago. Habang nasa byahe, lalong lumalim yung understanding ko sa pinagdadaanan ko nung panahong isinusulat ko 'to. Lalong lumawak at nabigyan ng justice yung paghusga ko sa sarili kong "overly dramatic" pag nasaktan. I hope you learn something from my experience. Enjoy===
I
Lagi mo 'kong tinatanong kung pa'no ba mag move on. Saan ka maguumpisa? Baka 'di mo kaya...
II
'Yan din ang paulit ulit ko'ng tanong sa sarili. Dahil hanggang ngayon nabubuhay pa rin ako sa alaala. Kahapong di na kayang ibalik at irewind.
Kasi life, and it has to happen. Pero paano nga ba?
Ikaw?
Paano iwasang mahalin ang taong dahilan ng pagtibok ng puso mo? Paano limutin ang mga ngiting kinakapitan mo?
Parang tanong kung paano pigilang huminga. Ang daming paano at biktima tayo. Biktima....
III
Makakalimutan nga ba ang tanging taong umokupa ng malaking puwang sa puso mo at gumanap ng napakalaking bahagi sa magulong istorya ng buhay mo? Na lalo pang naging komplikado no'ng magkita kayong muli, magkasama at magkausap ng iilang sandali pero nabaliw nanaman ang mundo mo. Isa sa mga bagay na nagdudulot ng saya at lukso sa puso mong naghihintay pa rin. Bagay na lagi na'y laman ng mga lihim mong pagasam. Natatawa ka na lang dahil madalas mo pa ring gisingin ang hating gabi sa pananaghoy at pangungulila. Alam ko namang 'di mo sinasadya, dahil pilitin mang iwasan ikaw pa rin ang dehado sa laban. Dahil naghangad ka, kahit alam mong walang resulta.
Ngayon tinatanong mo sa 'kin kung masama bang mahalin pa rin ang tulad n'ya na may mahal nang iba. Ginusto mong paniwalain ang sarili mo na 'di ka nasasaktan sa katotohanang pagkakaibigan na lang ang kaya n'yang ibigay sa'yo. Iniisip mo na masaya ka naman dahil andyan pa rin sya matapos ang lahat, tinanggap ka pa rin bilang kaibigan n'ya. Pero nahihirapan ka. Dahil ngayon, yung sinasabi nila tungkol sa pagbura ng panahon eh parang 'di tumatalab sayo.
IV
Hindi pa kayang burahin ng panahon ang katotohanang mahal mo s'ya at s'ya pa rin ang gusto mong makasama. Nasasaktan ka dahil kailangan mo na'ng maging masaya para sa kanya. Hindi ka sigurado kung hanggang saan o hanggang kailan ka aasa. Hindi mo matanggap na nagmamahal ka pa rin sa taong matagal na'ng bumitaw, hindi na ganon at hindi na ikaw.
Tama ba?
Alinlangan
Paano nga ba lumisan sa nakaraan? Paano Limutin? Paano takasan? Dahil sinubukan ko na rin pero nahirapan lang ako. Kung kaya ko lang, matagal na sana.
Kaliwanagan
Hindi ko man masagot ang mga tanong mo, tandaan na lang natin to, "hindi masamang magmahal ng taong may mahal nang iba kung doon ka sasaya. Hanggat masaya ka. Hindi mapapagod ang panahong maghintay. Isang araw, magigising ka na lang at mapapangiti." :)
-Ezang

20180808_135833.jpg20180209_113420.jpg20180209_113311.jpg20180222_183308.jpgDSC_1971.jpg20180412_211016.jpg23213035_1945570955459714_8538025967127103761_o.jpg270_bf0a3730-dbb6-11ea-bfb5-93dd708a759f.jpg22548667_1927921457224664_2380162261772272167_o.jpg22520059_1922164084467068_4650062110760251637_o.jpg

(loc. Chiangrai, Chiangmai, Hua Hin, Bangkok, Phuket)

Posted by moonlitskies 15:53 Archived in Thailand Tagged me landscapes waterfalls sunsets_and_sunrises mountains lakes beaches bridges churches art buildings skylines people children parties trees animals birds sky snow night planes boats trains sea temples water nature beach history travel surf adventure laos island sunsets philippines sand sun rest life chill love swim sunrises dive cebu old_city explore backpacking relax creativity traveler malapascua passion quotes solo south_east_asia healing wander ancestry unwind heritage_site

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Keep writing Esang ????

by Obscura

Comment with:

Comments left using a name and email address are moderated by the blog owner before showing.

Required
Not published. Required
Leave this field empty

Characters remaining: